Martes, Oktubre 11, 2011

WATAWAT "FLAG"

        Ang WATAWAT ay sagisag ng pagkakilanlan ng isang bansa.Sa pamamagitan ng watawat ay malalaman natin kung sino, at saan ito nagmula.Tayong mga filipino ay may sariling watawat o bandila,at sa tingin ko mas lalo pa tayong kinikilala sa ibang bansa, hindi dahil sa ating angking galing sa pag sasayaw,pagkanta,atbp,kundi dahil na rin sa makasaysang pinagmulan ng ating laban ng ating mga bayani laban sa mga nais sumakop sa ating bansa.Higit sa lahat ang tunay na pinagmulan ng ating watawat.Ngunit ang katanungang gumugulo saking isipan,"Sapat na ba ang ating kaalaman sa tunay na kasaysayan ng ating bansa? Sa kabila ng ating katanungan ito ay naliwanagan ako ng lubos ng mapanood ko ang pelikulang watawat"FLAG".
 
Ang pelikulang ito ay tungkol sa pinagmulan ng pamahalaan ng pilipinas at syempre ang makasaysayang paghahabi sa ating pambansang watawat.Dito inilahad n Melchor"TANDANG SORA"Aquino.Ang paghahabi sa kasaysayan ng ating bansa at ang kontribusyon nila Emilio Aguinaldo,Apolinario Mabini,Diego Silang,Jose Rizal,at ang naghabi ng watawat ay sina Marcela agoncilla ang anak nya na si Lorenza at si Donya Delfina Herbosa de Natividad.Sila ang mga taong namumukod tanging maipagmamalaki ng lubos dahil sa malaki nilang naiambag sa ating lipunan.
Para sa mga kabataang katulad ko,ay dapat natin malaman ang lahat nang ang gulo ng lipunan tulad ng pangkabuhayan,panlipunan,pampulitika,atbp.Kaya't ang kaalaman sa iba't ibang disiplina sa agham panlipunan ay nakakatulong upang maiintindihan natin ang mga aspeto ng kasaysayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento